---
title: "Allnovel-mk1 dynamic ad, 4 days run"
url: https://findwinningads.com/ads/1584639162682611
updated: 2026-10-31T09:10:50.335Z
source: WinningAds (findwinningads.com), public Meta Ad Library data
---
# Allnovel-mk1 dynamic ad, 4 days run

Allnovel-mk1 has run this dynamic ad on Facebook and Instagram and Audience Network and Messenger since 2 Jan 2026: 4 days, stopped on 6 Jan 2026.

| Fact | Value |
| --- | --- |
| Brand | [Allnovel-mk1](https://findwinningads.com/brands/allnovel-mk1) |
| Started | 2 Jan 2026 |
| Ended | 6 Jan 2026 |
| Days running | 4 |
| Format | Dynamic |
| Versions | 18 |
| Platforms | FACEBOOK, INSTAGRAM, AUDIENCE_NETWORK, MESSENGER |
| Sends people to | website |
| Category | – |
| Meta Ad Library | https://www.facebook.com/ads/library/?id=1584639162682611 |

**Headline:** Married to the Cold Billionaire📚ipagpatuloy ang pagbabasa➤➤

**Ad text:**

"“Gusto kita, Travis. Matagal na.” Kahit hindi niya maririnig, gusto ko lang sabihin. Makaka-move on din ako.


Aalis na sana ako nang bigla niyang higitin ang kamay ko dahilan upang matumba ako sa ibabaw niya.


“T-Travis.”


Pilit akong kumawala sa yakap niya ngunit naging mabilis ang mga pangyayari, hinalikan niya ako sa labi habang naglalakbay ang mga kamay niya sa katawan ko. Dala na rin siguro ng alak, nagpadala ako sa init. 


Ginantihan ko ang mga halik niya hanggang sa tuluyan na naming maalis ang mga saplot namin at nagsimula na siyang umindayog sa ibabaw ko. Wala akong nagawa kung hindi impit na humalinghing habang binibigkas ang pangalan niya.


“Ohhh… Travis! Sige pa, ah!”


Sabay naming naabot ang rurok ng kaligayahan. Ngunit kaagad akong natigilan nang marinig ang pangalan na binigkas ni Travis.


“Lianne, ohhh Liane. I love you.”


Ang pinsan ko—at ang fiancee niya."




NAPAUPO si Catherine pabalik sa gilid ng kama ng bigla na lang siyang nakaramdam ng pagkahilo. Ipinikit niya ang mga mata habang pinapakiramdam niya ang sarili. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng hilo. Noong una ay akala niya ay simpleng pagkahilo lang ang nararamdaman dahil minsan ay nagpupuyat siya pero nang mapadalas ang pagkahilo ay nakaramdam na siya ng pagkaalarma. Kaya nagpunta siya sa ospital para magpa-check up. Naisip niyang baka may sakit na siya. 

Pero ganoon na lang ang gulat ni Catherine ng malaman ang resulta ng test niya. Hindi siya nahihilo dahil may malalang sakit siya, nahihilo siya dahil buntis siya. 

She was four weeks pregnant. Masaya naman siya dahil buntis siya. Because baby is a blessing. Pero hindi niya maiwasan ang makaramdam ng kaba dahil isang malaking problema ang mangyayari kapag nalaman ng pamilya niya kung sino ang ama ng pinagbubuntis niya. 

Si Travis Azarcon--the young and formidable billionaire. The owner of Azarcon Airlines. At kaya niya nasabi na malaking problema iyon ay dahil hindi niya boyfriend ang lalaki. 

And Travis is commited to someone else. May fiancee ang lalaki. At ang fiancee nito ay walang iba kundi ang pinsan niyang si Lianne. 

The incident between her and Travis was simply a mistake, they were both drunk when it happened. Pareho nga silang nagulat na dalawa ni Travis nang magising sila kinaumagahan na nasa iisang kama at parehong walang saplot sa katawan. 

At base sa pananakit ng katawan at sa ibabang bahagi ng katawan niya ay sigurado siyang may nangyari sa kanilang dalawa. At nang tingnan niya ang katawan ay punong-puno iyon ng marka. Patunay din ang bakas ng dugo na naiwan sa bedsheet. Travis was her first. 

Yes. May naging boyfriend naman si Catherine pero hanggang halik lang ang kaya niyang ibigay sa mga ito. Hindi naman siya conservative. Alam lang niya ang limitasyon niya. At gaya ng sinabi niya ay isang pagkakamali lang ang nangyari sa kanilang dalawa ni Travis. 

Kinausap nga din siya ng lalaki na kung pwede ay ilihim nila ang nangyari, lalo na kay Lianne. Ayaw ni Travis na malaman ni Lianne ang tungkol sa nangyari dahil ayaw nitong masaktan ang babae, ayaw nitong maghiwalay ang dalawa kapag nalaman ni Lianne ang nangyari sa kanila. At sa totoo lang ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng sakit, lalo na ang puso sa sinabi ni Travis sa kanya. 

Bakit? Dahil may lihim siyang nararamdaman para kay Travis. Simula pa lang noong una niya itong nakita ay nagustuhan na niya ito. Pero ang pinsan niyang si Lianne ang gusto nito kaya wala na siyang nagawa kundi mahalin lang ito ng sekreto. 

All this time, she was loving him secretly. Iyon lang naman ang pwede niyang gawin sa nararamdaman niya para kay Travis. Hindi naman niyang pwedeng sabihin iyon dito dahil alam niyang wala namang kahihitnatnatan iyon. Siya lang din ang kawawa. 

Pero sa totoo lang ay hindi din niya napigilan ang masaktan kapag nakikita niya si Travis at Lianne na magkasama. Lalo na kapag nakikita niyang sweet ang mga ito sa isa't isa. Kaya hanggang maari ay ayaw niyang makita ang mga ito na magkasama. 

Pumayag din si Catherine sa gustong mangyari ni Travis dahil ayaw din niyang magkasira ang relasyon ng dalawa. Alam kasi niyang mahal na mahal ng dalawa ang isa't isa. Pero hindi naman niya inaasahan na magbubunga ang nangyari sa kanila ni Travis. 

Wala pa nga siyang pinagsasabihan tungkol sa kondisyon niya. Hindi pa niya nasasabi sa pamilya ang tungkol sa pagbubuntis dahil hindi niya alam ang sasabihin at ayaw din niya ng gulo. 

Naisip nga din ni Catherine na magpakalayo-layo na lang muna siya para itago ang pagbubuntis niya. Babalik na lang siguro siya kapag nanganak na siya. 

Iyon ang plano ni Catherine, nitong nakaraang araw nga ay naghahanap na siya ng lugar na pwede niyang tirahan. Iyong malayo sa mga ito para hindi mag-krus ang landas nila habang hindi pa siya nanganganak. May ipon na din naman siya at naisip din niyang gamitin ang ipon para magpatayo ng maliit na business para magkaroon siya ng source of income na gagamitin niya sa pagpapalaki ng anak. 

Humugot na lang siya ng malalim na buntong-hininga. At nang medyo um-okay ang pakiramdam ay tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama. 

Humakbang na si Catherine palabas ng kwarto, pababa ng hagdan at dumiretso patungo sa dining area para kumain. Bigla kasi siyang nagutom pagkatapos niyang sumuka. At kailangan niyang kumain para maging healthy ang baby niya. 

Pero natigilan siya sa paglalakad nang nakita niya kung sino ang kasama ng magulang na nasa harap ng mesa. 

It was Lianne. At kasama nito ang fiancee nitong si Travis. Doon kasi pansamantala tumutuloy si Lianne sa bahay nila dahil wala ang mga magulang nito. 

Sa sandaling iyon ay hindi niya maiwasan ang pagbilis ng tibok ng puso. At sa halip na magpatuloy siya sa paglalakad ay bumwelo siya para tumalikod. Hanggang maari ay ayaw muna niyang makaharap ang dalawa dahil sa mga nangyari. At hindi niya kayang pakiharapan si Lianne dahil kinakain siya ng konsensiya niya. Lianne was good to her, pero ano ginawa niya? 

Pero hindi niya pa nagagawang tumalikod nang mapansin na ang presensiya niya. 

"Oh, Catherine. Halika na," tawag sa kanya ng ina na si Cathleya. "Akala namin mamaya ka pa magigising kaya hindi ka na namin tinawag," dagdag pa na wika ng ina. 

Nitong makalipas na araw kasi ay late na siya nagigising kaya hindi na siya nakakasabay na mag-breakfast sa mga ito. 

Binasa ni Catherine ang ibabang labi gamit ang dila nang lumingon din sa dereksiyon niya si Lianne. Si Travis naman ay nanatili ang tingin sa harap ng mesa. Napansin niya na blanko ang ekspresyon ng mukha nito pero kita naman niya ang pagsasalubong ng kilay nito.

"Halika ka, Cath," tawag naman sa kanya ni Lianne na may ngiti sa labi. 

Hindi naman niya magawang makapagsalita, nagi-guilty kasi siya sa pinsan. Nagi-guilty siya sa nangyari sa kanilang dalawa ni Travis. 

Sa sandaling iyon ay hindi niya alam ang gagawin. Gusto niyang umalis pero hindi niya magawa. Kaya no choice siya kundi manatili. 

In that moment, she didn't know what to do. She wanted to leave, but she couldn't. So she had no choice but to stay.

Hindi na natuloy ang pag-atras niya. Umabante na lang siya sa paglalakad palapit sa mga ito. Pero hindi pa siya tuluyang nakakalapit ng bigla niyang takpan ang ilong ng may maamoy siyang hindi niya gusto. 

"May mabaho," hindi niya napigilan na ibulalas habang takip pa ang ilong, nalukot nga din ang mukha niya.

Nakita naman ni Catherine ang pagkunot ng noo ng ina. "Anong mabaho?" tanong nito sa kanya. 

"May mabaho po," sagot niya ulit. 

"Wala namang mabaho?" Giit ng ina, pagkatapos ay sumulyap ito sa pinsan. "Lianne, may naamoy ka ba na mabaho?" tanong ng ina sa pinsan.

Umiling si Lianne. "Wala naman po, Tita," sagot nito, bakas ang pagtataka sa mukha. 

Kunot ang noo na tinaggal niya ang pagkakatakip ng ilong para i-check ang naamoy niyang mabaho. Pero mabilis niyang tinakpan ang bibig ng maramdaman niya ang pagkakahakukay ng sikmura ng muli niyang naamoy ang mabaho.

Gosh! 

At bago pa siya tuluyang maduwal ay tumakbo na siya palapit sa sink at doon nag-duwal ng nag-duwal. Wala naman siyang maisuka, tanging laway lang. Medyo nakaramdam na naman siya ng pagkahilo ng sandaling iyon kaya nanatili muna siya ng ilang segundo doon. Nakakapit nga din siya sa may sink para doon kumuha ng suporta. At nang medyo um-okay na ang nararamdaman ay nagmumog siya. 

Ayaw niyang humarap sa mga ito pero wala siyang magagawa. Hindi siya pwedeng tumakas at idinalangin na lang niya na walang sabihin ang mga ito sa kanya.

Napansin naman ni Catherine ang paninitig ng mga ito sa kanya. Pero hindi na lang niya iyon binigyan ng pansin. Humakbang siya palapit sa mesa. Pagkatapos ay tahimik lang siyang umupo sa harap nila Lianne. 

Akmang kukuha siya ng makakain dahil gutom na siya ng mapatigil nang marinig niya ang hindi inaasahan na itatanong ng ina sa kanya. 

"Buntis ka ba, Catherine?" tanong ng ina sa kanya, halos mag-isang linya ang kilay. 

Bumuka-sara ang bibig niya sa tanong na iyon. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Hindi pa nga siya nakakasagot ng sumunod na magtanong ang ama sa kanya. 

"Sino ang ama?" tanong nito sa seryosong boses.

Sa halip na sagutin ang ama sa tanong nito sa kanya ay hindi niya maiwasan ang mapatingin sa gawi ni Travis na ngayon ay sobrang pagsasalubong ng mga kilay.

Mula sa gilid ng mata at nakita niya ang pagsunod ni Lianne sa dereksiyon ng tiningnan niya. 

At mukhang nagkaroon ito ng ideya kung sino ang ama ng pinagbubuntis niya ng mahulog nito ang kubyertos na hawak nito. 





"BAKIT gising ka pa?" 

Napaayos si Catherine mula sa pagkakaupo niya nang marinig ang malamig na boses na iyon ni Travis. Dahan-dahan nga siyang nag-angat ng tingin at sumalubong sa kanyang mata ang malamig na ekspresyon na mga mata nito. 

Napansin nga din niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito habang nakatingin sa kanya. 

Saglit niyang kinagat ang ibabang labi. "H-hinihintay kita," sagot niya dito, lihim nga niyang pinagalitan ang sarili dahil sa pagkautal ng boses niya ng magsalita. 

Hindi siya makatulog ng sandaling iyon kaya naisipan niyang hintayin na lang si Travis. Medyo nag-aalala din kasi dahil minsan ay umuuwi ito ng lasing, nag-aalala siya na baka may mangyaring masama dito. 

At dahil nakatingin siya kay Travis ay napansin niya ang pagtaas ng isang kilay nito, maliban sa galit na nakabalatay sa mga mata nito ay wala na siyang ibang nakikitang emosyon doon. At sa tuwing tumititig siya sa mga mata nitong walang emosyon ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng kirot sa puso nya. 

"Acting like a good wife?" tanong ni Travis sa kanya sa malamig pa ding boses, bakas nga din sa boses nito ang pag-uuyam. Bubuka sana ang bibig niya para sana magsalita nang mapatigil nang muli ito magsalita. "Stop acting like my wife. Dahil asawa lang kita sa papel, Catherine. I don't consider you as my wife, and remember that always. So, stop acting like my wife because you're just wasting your time," malamig pa ding ang boses na wika nito. 

Hindi na nga din siya nito binigyan ng pagkakataon na makapagsalita dahil umalis na ito nagpatuloy na ito sa paghakbang. 

Kinagat naman ni Catherine ang ibabang labi ng maramdaman niya ang pamamasa ng magkabilang mga mata niya dahil sa sakit na naramdaman ng puso dahil sa sinabi ni Travis sa kanya. Na hindi na lang ibang tao sa buhay niya. Dahil ang lalaki ay asawa na niya. 

Yes. Asawa na niya si Travis dahil nang malaman ng magulang, lalo na ang ama na buntis siya ay nagpakasal silang dalawa. 

Nang malaman kasi ng magulang niya na buntis siya at si Travis ang ama ay kinausap ng mga ito ang lalaki. At ang sumunod na kinausap ng magulang ay si Lianne din. 

Wala namang ideya kung ano ang pinag-usapan ng mga ito dahil hindi siya sinama. Pero nang makita niya ang madilim na ekspresyon ni Travis at nang makita niya na umiiyak si Lianne nang lumabas ito ng library ay may ideya na siya kung ano ang napag-usapan ng mga ito. 

At na-confirm na tama siya ng sumunod siyang kausapin ng magulang. At sinabi ng mga ito ang gustong mangyari ng mga ito. 

Gusto ng magulang niya na panagutan ni Travis ang nangyari sa kanila, lalo na ang pinagbubuntis niya. Ayaw ng magulang na lumabas ang anak na walang ama. Ayaw ng mga ito na madehado siya dahil sa nangyari. 

Tumanggi siya sa gustong mangyari ng magulang dahil ayaw niyang saktan si Lianne na alam niyang mahal na mahal nito si Travis. At kahit na mahal niya ang lalaki ay ayaw naman niyang itali ito sa kanya. Baka isipin nito na ginagamit niya ang pinagbubuntis para itali si Travis sa buhay niya. 

Pero hindi siya pinakinggan ng ama. Ipinilit ng ama ang gusto nitong mangyari na magpakasal silang dalawa ni Travis. Hindi daw ito papayag na lumabas ang apo na walang ama. Dapat panagutan siya ni Travis.

At hindi din niya alam kung ano ang sinabi ng magulang kay Travis para mapapayag itong pakasalan siya. It was force marriage between them. Dahil dalawang araw bago nalaman ng mga ito na buntis siya ay pinakasal silang dalawa ni Travis. Na tanging ang judge at ang mga magulang lang ang witness sa kasal nila. Sa side ni Travis ay walang pumunta, wala siyang ideya kung alam ba ng magulang nito ang tungkol sa pagpapakasal nila at tungkol sa pagbubuntis niya. Pero mukhang walang ideya ang mga magulang nito dahil hindi dumalo ang mga ito sa civil wedding nilang dalawa. 

At sa nangyari ay umalis si Lianne at hindi nila alam kung saan ito nagpunta. She ranway without a trace. At alam niyang nasaktan ito sa mga nangyayari. Naiintindihan naman niya ito, dahil kung siya ang nasa posisyon ni Lianne ay ganoon din ang gagawin niya. Aalis din siya at hindi magpapakita. At sa nangyari kay Lianne ay mas nagalit si Travis sa kanya. Siya ang sinisisi nito sa lahat, gusto naman niyang ipagtanggol ang sarili dahil sa totoo lang ay hindi lang din naman niya iyon kasalanan. Silang dalawa ang gumawa noon. At hindi lang si Travis ang nagalit sa kanya, pati na din ang mga magulang ni Lianne. 

At mas lalong nagalit si Travis sa kanya sa nangyari. At hindi nga lang si Travis sa kanya pati na din ang magulang ni Lianne. 

They call her names. Gaya ni Travis ay siya ang sinisisi ng mga ito. Tinanggap lang din naman niya ang mga masasakit na salitang binibitawan ng mga ito sa kanya dahil naiintindihan niya ang nararamdaman ng mga ito. Magulang ang mga ito at masakit para sa mga ito na makita na nasasaktan ang anak--si Lianne.

Nagalit nga din ang mga ito sa magulang niya. Bakit daw kailangan pilitin ng mga ito si Travis na pakasalan siya. Pwede naman daw sustentuhan ni Travis ang anak sa kanya, hindi na daw kailangan na pakasalan siya. Pero pinanindigan ng ama ang desisyon nito. At hindi lang ang relasyon niya sa mga ito ang nasira, pati na din ang relasyon ng mga magulang.

At dalawang linggo na ang lumipas simula noong ikasal sila ni Travis. But Travis never treated her as his wife. He was cold to her. Sa bahay nga siya nito nakatira pero mabibilang lang sa kamay niya ang pagkakataon na makasama niya ito. Bihira nga din silang mag-usap at magkita na dalawa. 

Nagigising kasi si Catherine na wala na ito, mukhang maaga itong pumapasok sa trabaho at gabing-gabi na nga din itong umuuwi. At kung hindi lang niya ito hihintayin na uuwi ay hindi niya ito makikita.

At sa tuwing nagkikita o nagkakausap naman sila pinaparamdam talaga nito how he despise her, na para bang napipilitan lang ito na pakisamahan siya. 

Mukhang gusto ni Travis na pahirapan siya. Na mali ang desisyon niyang pagpayag na magpakasal silang dalawa. 

At sa tuwing nararamdaman niya iyon ay nakakaramdam ang puso niya ng sakit. Pakiramdam niya ay may punyal na sumasaksak sa puso niya sa tuwing nararamdaman niya na balewala lang siya dito.

Dapat nga hindi na iyon maramdaman ni Catherine dahil sa sitwasyon nila ay expected na niya iyon pero hindi pa din niya maiwasan dahil nga mahal niya ito. 

Humugot na naman si Catherine ng malalim na buntong-hininga. Hinawakan nga din niya ang manipis pa din tiyan para kumuha ng suporta sa batang nasa sinapupunan niya. Sa tuwing ganoon ang trato ni Travis sa kanya ay sa anak siya kumukuha ng lakas.

"K-kaya natin ito, anak. Matatanggap din tayo ng Papa mo," pagkausap niya sa anak sa garalgal na boses. Hindi nga din niya napigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata dahil sa emosyon na nararamdaman. 

For the nth time, Catherine took a deep breath again. Pagkatapos niyon ay umakyat siya sa taas para sundan si Travis. Alam niyang ayaw siya nitong makita pero gusto pa din niyang gawin ang responsibilidad niya bilang asawa nito. Kahit na hindi siya nito itinuturing na asawa ay gusto pa din niyang gawin ang responsibilidad niya hindi dahil gusto niyang mahalin din siya nito, alam kasi niyang hindi mangyayari iyon. Because Travis is in love with Lianne. At ilang beses nito iyong sinabi at ipinamukha sa kanya. 

Ginagampanan lang niya ang responsibilidad niya dahil sa sinumpahan niya sa harap ng judge na nagkasal sa kanila. 

Kumatok si Catherine sa pinto ng master bedroom. Wala siyang narinig na salita kaya napagpasyahan niyang pihitin ang seradura at pumasok siya sa loob. 

Agad naman tumuon ang tingin ni Catherine sa coat ni Travis na nalaglag sa kama, mukhang basta lang nito iyong inihagis sa kama pagkapasok nito doon.

At base na din sa naririnig niyang lagaslas ng tubig sa banyo ay mukhang naroon si Travis, naliligo. 

At habang hindi pa lumalabas si Travis ay kailangan na niyang gawin kung bakit siya naroon. Baka kasi kapag nakita na naman siya nito doon ay magalit na naman ito. 

Humakbang siya palapit sa coat nitong nalaglag sa sahig at saka niya iyon inilagay sa laundry basket. 

Pagkatapos ay humakbang siya palapit patungo sa walk in closet nito. 

Kumuha siya ng damit pantulog nito. Isang puting t-shirt at pajama, kumuha na din siya ng underwear nito at dinala niya iyon sa ibabaw ng kama. 

Saktong pagkalapag niya sa mga iyon ng maramdaman niya ang pagbukas ng pinto sa banyo. 

At nang mapatingin siya doon ay nakita niya si Travis, tapos na itong naligo. At hindi niya napigilan ang mapaawang ang labi nang makita niya ang hitsura nito. 

Tanging maliit lang na tuwalya ang tanging tumatakip sa kahubadan nito. And his bulge is evident on the towel. Pansin din niya ang pagtulo ng tubig sa buhok at sa katawan nito. 

"What are you doing her?" he asked her in a cold but baritone voice. 

Agad naman niyang itinikom ang bibig ng marinig niya ang malamig na boses na iyon ni Travis. 

"N-ni-ready ko lang ang isusuot mo," sagot niya dito. 

Napansin niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito. "I told you, don't waste your time being a good wife, Catherine. Because it doesn't change anything. You are not my wife," he said in a cold voice. "At sa susunod ay huwag mong pakikialam ang mga gamit ko, ayokong may ibang tao na nakikialam sa mga gamit ko." 

Hindi talaga siya nito itinuturing na asawa dahil para kany Travis ay ibang tao siya. She felt a pang in her heart. 

"And next time again, don't enter my room without my permission. I don't want you here in my room," dagdag pa na wika nito. "Do I make myself clear?" 

"Y-yes." 



MABILIS na bumangon si Catherine mula sa pagkakahiga niya sa kama nang maramdaman niya ang paghahalukay ng kanyang tiyan. Tutop nga niya ang bibig ng nagmadali siyang pumasok sa loob ng banyo. 

At pagpasok ay agad siyang lumapit sa may sink at sumuka siya doon. At gaya na lang ng dati ay puro laway lang ang naisuka niya. At pagkatapos ngang iyon ay nakaramdam siya ng paghihina. 

Naiiyak siya sa kalagayan niya ng sandaling iyon. Mag-isa lang kasi siya, walang nag-aasikaso sa kanya. Lalo na sa kondisyon niya. Inaasahan naman niya si Travis dahil asawa niya ito at anak din naman nito ang dinadala niya. Pero anong aasahan niya sa lalaki na walang pakialam sa kanya? Na hindi siya itinuturing na asawa. Pero sana man lang kahit na hindi siya nito mahal? Sana sa anak na lang na dinadala na lang niya ito ng pakialam. Kahit na huwag na lang siya. 

Kapag may gusto nga siyang kainin ay tinatawagan pa niya ang kaibigan para ibigay iyon sa kanya. 

Nanatili naman si Catherine sa ganoong posisyon. At sa tingin niya ay kaya na niyang kumilos ay lumabas na din siya patungo sa banyo. 

At sa halip na humiga muli sa kama ay naisipan niyang lumabas ng kwarto para kumuha ng tubig. Bigla kasi siyang nakaramdam ng pagkauhaw. 

Lumabas si Catherine ng kwarto at saktong paglabas niya ay ang paglabas din ni Travis sa master bedroom. 

Nagkagulatan nga silang dalawa. Pero nang makabawi ng pagkabigla ay agad na sumeryoso ang ekspresyon ng mukha nito. At mayamaya ay napansin niya ang pagsasalubong ng kilay nito ng bumaba ang tingin nito sa suot niya. And she noticed the dark in his eyes as his gaze focused on her knockers. 

Sinundan naman niya ang tinitingnan nito at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata nang makita niya ang nipples niyang bakat sa suot niya. She was wearing her white nighties. At hindi siya nakasuot ng bra, hindi kasi siya nagsusuot ng bra kapag matutulog na siya. At nang sandaling iyon ay visible ang nipple niya sa suot. 

At nang sandaling iyon kahit na hindi siya nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ay alam niyang pulang-pula ang magkabilang pisngi niya. 

Mabilis naman siyang tumalikod at saka siyang muling pumasok sa loob ng kwartong tinutuluyan. 

Pagpasok nga niya sa loob ng kwarto ay hinawakan niya ang nag-iinit na pisngo dahil sa nararamdamang embarassment. 

Why are you embarass, Catherine. Magkakaanak na nga kayong dalawa, wika ng isipan. 

Well, kahit na magkakaanak sila ay hindi pa din niya maiwasan ang mag-init ng pisngi. Lalo na noong may mangyari sa kanila ay pareho silang lasing. Kunti lang ang naaalala niya. 

Saglit siyang hindi kumilos hanggang sa kinuha niya ang robe at saka niya iyon isinuot sa ilalim ng suot ng nighties. 

Pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto. Wala na si Travis sa kinatatayuan nito kanina, mukhang bumaba na ito. 

Bumaba na din si Catherine. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa kusina. 

"Good morning, Ma'am Catherine," bati sa kanya ni Lily, isa sa maid ni Travis sa bahay nito.

"Good morning, Lily," ganting bati din ni Catherine sa babae. 

"Magbi-breakfast na din ba kayo?" mayamaya ay tanong nito sa kanya. 

Napatingin si Catherine sa gawi ni Travis. Nakaupo na ito sa harap ng dining area. At mukhang mag-uumpisa na din itong kumain. Hindi nga din niya napigilan na bumaba ang tingin sa pagkain na nasa hapag. 

Nang sandaling iyon ay bigla siyang natakam. Gusto na din niyang kumain. Pero nang maalala niyang ayaw siyang makasabay ni Travis ay nakangiting umiling naman siya. Baka kasi kapag sumabay siya ay bigla na lang itong tumayo mula sa pagkakaupo nito, ginawa na kasi nito iyo sa kanya minsan. 

Unang araw niya noon sa bahay nito. Tinawag siya ni Lily para kumain na, nakaupo na si Travis noon sa harap ng dining table. At wala pa ngang dalawang segundo ng umupo siya sa harap ng dining table ng tumayo si Travis at lumabas ng dining area. Naiwan siya doong mag-isa.

Hindi lang siya nasaktan sa ginawa nito, napahiya din siya. Kita nga din niya ang awa na bumalatay sa mga mata nina Lily nang masaksihan iyon. Nagpasalamat nga din siya dahil hindi nagtanong ang mga ito. At kahit nasasaktan ay pinagpatuloy niya ang pagkain. At simula niyon ay hindi na siya sumabay na kumain dito kahit na nagugutom na siya. At mukhang napansin iyon ni Lily dahil kapag tapos na si Travis na kumain ay doon na siya nito tatawagin para kumain na din, minsan ay dinadalhan na siya nito ng pagkain sa kwarto niya.

At ayaw na niya iyong maulit dahil masakit sa pakiramdam ang maiwanan. 

"Hindi pa ako gutom, Lily," sagot niya kahit na ang totoo ay nagugutom siya. Napansin niya ang paninitig nito, alam niyang hindi ito naniniwala sa sagot niya. Pero lihim pa din siyang nagpasalamat dahil wala itong sinabi. Tumango lang ito. "Kukuha lang ako ng tubig kasi nauuhaw ako," dagdag pa na wika niya. 

Hindi na nga din hinintay ni Catherine na sumagot si Lily dahil humakbang na siya palapit sa kuhanan ng tubig. 

At nang pagkakuha ay nagpaalam siya kay Lily. Saglit niyang sinulyapan si Travis na hanggang ngayon ay seryoso pa din ang ekspresyon ng mukha bago siya humakbang palabas ng dining area.

**Goes to:** https://www.nomnovel.com/dreame/adlanding/1/821780224/9098/fb06436/2025121915525864?utm_source=facebook_ads&utm_campaign={{campaign.name}}&af_c_id=120237007092420423&af_adset={{adset.name}}&af_adset_id=120237007107610423&af_ad_id={{ad.id}}&af_ad={{ad.name}}&random=MTIwMjM3MDA3MDkyNDIwNDIz1767284057537222
